Isinusulong ni Rep. Sherwin T. Gatchalian (1st District, Valenzuela City) ang modernisasyon ng Philippine National Police (PNP) crime laboratory upang masiguro ang higit na kakayahan sa paglutas sa mga kaso ng pamamaril.

Hiniling niya sa House Committee on Public and Order and Safety na suriin ang kasalukuyang kalagayan ng ballistic database at firearms tracking technology upang lalong mapalakas ang kakayahan ng PNP na matukoy ang mga may kagagawan ng stray bullet shooting o ligaw na bala at iba pang mga krimen kaugnay sa baril.

Aniya, karamihan sa mga kasong may kinalaman sa baril ay hindi nalulutas dahil ang PNP-Crime Laboratory Service ay kulang sa integrated ballistics identification system (IBIS) machines para sa forensic identification ng ballistic information of firearms. (Bert de Guzman)

Teleserye

Lena, evicted na sa 'Bahay ni Righouurr;' mga legal wife, nagbunyi