Ni ADOR SALUTA

Jodi at Ian
Jodi at Ian
SINA Kim Chiu at Xian Lim ang isa sa tatlong tambalang tampok sa All You Need is Pag-Ibig,  handog ng  Star Cinema sa  2015 MMFF na magsisimula sa Pasko. Sa  isang panayam kay Kim, sinabi niya na kakaibang role  bilang si Anya ang gagampanan niya, isang babaeng selfish at takot umibig.

“Parang sa lahat ng characters sa movie, ako dito ‘yung selfish. ‘Yung ako muna,” aniya.  

Bakit  takot magmahal ang character niya?

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Meron kasing pinanggagalingan siya na isa din sa mga characters sa movie.” 

Kakaiba ang love story ng mga papel na ginagampanan nila ni Xian sa All You Need is Pag-ibig. 

“May namuo na sa ‘min before na naudlot lang. May foundation na kami simula nang nagkita kami ulit. ‘Yung iba kasi like sila Ate Jodi (Sta. Maria at Ian Veneracion), kakakilala lang nila. High school pa lang kami (ng character nila ni Xian) magkakilala na ‘tapos nag-different college schools kami ‘tapos nagkita ulit kami after college.”

May pressure ba sa kanila na sabayan ang kinakikiligang loveteam sa Pangako Sa ‘Yo na sina Jodi at Ian? 

“Iba kasi ‘yung kuwento namin sa kuwento nila, eh. Mas nakakakilig ‘yung sa kuwento nila. Di ba, ‘no, kasi ‘yun ‘yung first time nila, eh. ‘Yung tuksuhan, ganyan, amo, boss, ganon... Iba-iba siyang story, hindi naman siya magkakapareho,” paliwanag ni Kim.