Martin copy

KASALUKUYANG nagpapalakas si Martin Sheen matapos sumailalim sa quadruple bypass surgery, ayon sa kanyang anak na si Emilio Estevez.

Nag-tweet si Estevez ng isang litrato ng kanyang 75 taong gulang na ama habang ito ay nasa ospital. Sa litrato, makikita si Sheen na naka-thumbs-up sign habang ang isa pang kamay ay may hawak na unan na hugis puso na halos natatakpan na ang kanyang mukha.

“My Pop! Successful proactive quadruple bypass surgery this week! A great Blessing indeed!” paglalarawan ni Estevez sa litratong ibinahagi sa publiko.

Human-Interest

Albay LEPT topnotcher pinipili pa ring magturo sa Pilipinas, bakit nga ba?

Ang post naman niya sa Facebook ay nagpapaliwanag na ang kanyang ama ay sumailalim sa surgery nitong nakaraang linggo sa Los Angeles hospital. “The decision to operate on his heart was a proactive one, not an emergency situation,” ani Estevez.

Dagdag pa ni Estevez, “Not surprisingly, he is recovering beautifully, out of the ICU and is expected to not only be home for Christmas, but be 100% by the time he returns to work on season three of the Netflix series, ‘Grace and Frankie’ early next year.”

Minsan nang inatake sa puso si Sheen habang ginagawa ang kanyang pelikulang Apocalypse Now. Good Morning America/

(Yahoo News Celebrity)