starstruck

MULA sa libu-libong nangarap na pumasok sa entertainment industry, apat na lamang ang natitira sa Starstruck, ang original reality-based artista search ng GMA Network.

Mula sa Final 4 ay makikilala na sa Final Judgment ngayong gabi kung sino ang tatanghaling Ultimate Male at Female Survivor.

Sino nga ba ang karapat-dapat maging Ultimate Male Survivor? Ang pambato ng Bacolod na si Migo Adecer o ang proud Cebuano na si Elyson de Dios?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pagdating sa artista-challenges, ipinapakita ni Migo ang kanyang kakayahan kaya itinuring siyang ‘threat’ ng kanyang fellow artista hopefuls. At sa Final Judgment, handang-handa na si Migo na ipakita ang kanyang kakayahan.

“This is my moment to prove my edge in the finals. I’m a performer at alam ko kaya ko talaga. I will be able to put on a good show and put up a good fight,” pahayag ni Migo.

 

“Opo, claim it! Yes, I can be the survivor,” sabi naman ni Elyson nang tanungin kung deserving ba siyang maging Ultimate Male Survivor.

Charming, palangiti at isa sa mga pinakabata sa batch, kaya kinatutuwaan ng karamihan si Elyson. Matupad na kaya ang pangarap ng kanyang ina na maging ganap siyang artista? 

 Matinding pasiklaban din ang aabangan sa bet ng Caloocan na si Klea Pineda at sa muse ng Bulacan na si Ayra Mariano. “Bonus from God” kung ituring ni Klea ang pagkakasali niya sa Starstruck kaya.

“Pangarap ko po talaga na maging isang artista. Ayaw ko pong ma-disappoint ang pamilya ko at ang lahat ng mga naniniwala sa akin kaya abangan talaga nila ang isang bonggang Klea, ibibigay ko na po talaga lahat.”

 

Determinado rin si Ayra na makuha ang titulong Ultimate Female Survivor. Bagamat may karanasan na sa commercials, hindi nababawasan ang pagiging pursigido ni Ayra na makamit ang kanyang pangarap.

“Gusto ko na mas mag-excel pa sa mga ginagawa ko. Ayaw kong mag-stick lang ako sa ganito o ganyan. I can do better things kaya kailangan mag-explore at siyempre mag-enjoy din sa ginagawa.”

 Dalawa lang ang matitira at tatanghaling Ultimate Male at Female Survivor ngayong Sabado, 9:20 ng gabi pagkatapos ng Magpakailanman sa Starstruck: The Final Judgment sa GMA7.