gary v copy

ISA ang Gary V Presents The Repeat Concert, ginanap last Tuesday sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World, sa gustung-gusto naming show ni Gary Valenciano dahil napaka-intimate at alam namin lahat ng mga kinanta ni Mr. Pure Energy.

Hindi napigilan ng bagyong ‘Nona’ ang naturang concert, talagang dinagsa pa rin ng tao kesehodang baha na ang mga kalsada sa Kamaynilaan at inabot ng apat na oras sa trapik. Hindi ito inalintana ng lahat dahil masaya silang umuwi at sumasayaw pa nga ‘yung iba, nakaka-LSS naman kasi talaga ang mga kinanta ni Gary V.

Pangatlong repeat na itong Gary V Presents at posibleng magkaroon pa ng ikaapat dahil marami pa ring may gustong makapanood at ulitin ito.

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar

Kaya pala nangulit sa amin ang wife ni Gary V na si Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano na panoorin namin ang show dahil siguradong mag-i-enjoy kami.

Unlike sa ibang concerts, walang kaartehan ang Gary V Presents. Wala nang gustong patunayan si Gary na siya pa rin ang natatangi o magaling o something na singer.

Sa direksiyon ni Mon Faustino, gusto lang pasayahin ni Gary V ang mga manonood sa pamamagitan ng mga kanta niya at bigyan ng chance ang mga produkto ng singing contests ng ABS-CBN tulad nina Janice Javier (The Voice Season 1), Jimmy Marquez (Star in a Million Season 2), Katrina “Suklay Diva” Velarde (X Factor), Monique Lualhati (X Factor), Timothy Pavino (The Voice Season 2), RJ dela Fuente (American Idol finalist), Lara Maigue (Philpop 2013), Maki Ricafort (The Voice) at si Mitoy Yonting (grand winner ng The Voice Season 1).

Kasama rin sina Bullet Dimas, Carla Guevara-Laforteza, Manoevres at Kiana Valenciano sa guests na idinirek naman ni Mon Faustino.

Napahanga kami sa duet nina Gary at Mitoy ng awiting Natutulog Ba Ang Diyos na binigyan ng standing ovation ng audience. Pagkatapos ng duet, kunwa’y nanghina si Mitoy sabay hawak sa ulo niya na sumakit daw sa sobrang taas ng bigay niya pero nasabayan siya ni Gary kaya aliw na aliw ang lahat.

Gustung-gusto rin namin ang production number nina Gary at Lara (Kung Puwede Lang Naman at Kailangan Kita) habang tumutugtog ng piano ang una dahil napaka-flawless, as in ang sarap sa tenga.

Ang pinaka-the best part sa show ay nang magtayuan ang audience para sumayaw sa hits ng Earth Wind & Fire.

Pinuntahan pa ni Gary ang mga nanonood para magpa-picture/selfie habang kumakanta.

Ang saya-saya nu’ng gabi, Bossing DMB, sayang at wala ka, I’m sure makaka-relate ka sa repertoire ni Gary V dahil kapanahunan natin at bigla kong naalalang gusto kong mag-disco ulit, he-he.

In fairness, parang nasa early 30’s lang si Gary, effortless at punumpuno pa rin ng energy sa pagsasayaw. At take note, bagets na bagets ang suot niya dahil naka-jogger siya with matching hi-cut rubber shoes at shirt na mahaba ang laylayan minus the the trench coat or jacket/windbreaker.

Sino ang mag-aakalang 51 years old na si Mr. Pure Energy? (Reggee Bonoan)