aldin ayo copy copy

Idineklara na rin ng pamunuan ng De La Salle University bilang bagong headcoach ng kanilang men’s basketball team sa UAAP si dating Letran coach Aldin Ayo.

Sa isang statement na inilabas ng pamunuan ng unibersidad, ipinakilala nila ang dating NCAA champion coach bilang bago nilang mentosr sa darating na UAAP Season 79.

“Upon deliberation of a search committee and consultation with the administration and alumni, De La Salle University is pleased to announce that Aldin Ayo is the new head coach of the Men’s Basketball Team,” nakasaad sa statement ng La Salle.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“The University welcomes Coach Aldin to the Lasallian community as he charts the new direction of the Green Archers.”

Marami ang nagulat sa mga pangyayaring ito dahil katatapos pa lamang ng NCAA Season 91 at hindi pa nakakapagdaos ng kanilang “victory party” bilang champion ng Season 91 ang Knights nang biglang naglabasan ang balitang lilipat na ng La Salle si Ayo.

Naging madamdamin ang pagpapaalam ni Ayo sa kanyang mga manlalaro, sa pamunuan ng Letran at sa buong Letran community kung saan kinumpirma niyang nagdesisyon na siyang lisanin ang kanyang alma mater dahil sa isang personal na kadahilanan.

Kaugnay ng paglipat niya sa La Salle, isa pa sa isinakripisyo ni Ayo ang naunang planong muling pagtakbo sa darating na halalan bilang konsehal sa kanilang lalawigan sa Sorsogon. (Marivic Awitan)