Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa natutukoy na mga suspek ang mag-live in partner sa loob ng kanilang barung-barong sa Binondo, Manila, iniulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Annalyn Avecilla, 20, at Ricky Velasco, 23, vendor at kapwa residente ng Gate 64 Parola Compound, Binondo, Manila.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO3 Alonzo Layugan, imbestigador ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), dakong 5:00 ng hapon, kamakalawa, nang maganap ang insidente sa loob ng barung-barong kung saan nakatira ang mga biktima.

Sa salaysay ni Adelaida, ina ni Avecilla, inamin nito na naging drug user at pusher ang kanyang anak.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Aniya, bago naganap ang pamamaril ay may ilang tao ang pabalik-balik at naghahanap sa kanyang anak.

Maya-maya ay narinig na lamang umano niya ang sunud-sunod na putok ng baril at nang tingnan ay natuklasang patay na ang mag-asawa. (Mary Ann Santiago)