Walang saplot nang matagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nakahandusay sa loob ng isang motel sa Caloocan City noong Martes ng gabi.

Ayon kay PO3 Edgar Manapat ng Caloocan Police, nasa 32 hanggang 35-anyos ang edad ng biktima, may taas na 5”4”, katamtaman ang pangangatawan, kulay gray ang t-shirt at may tatak na “Army” ang pantalon na nakitang nakasabit sa dingding.

Ito ay nadiskubre ni Vivencio Java-An, 32, room boy ng Clover In Motel na matatagpuan sa No. 383 EDSA, Barangay 139, Bagong Barrio, Caloocan City, dakong 8:00 ng gabi sa Room 34.

Kuwento ng room boy, bago ang pangyayari, pumasok ang lalaki na may kasamang babae sa motel bandang 6:00 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Nakita pa po namin na nag-check out na ‘yung babae pero hindi na namin pinansin kasi akala namin nagpaiwan lang ang lalaki,” ani Jaba-An.

Sinilip ng mga room boy ang kuwarto ng biktima dahil bahagya itong nakabukas at nakita nila na nakadapa na ito at walang buhay.

Ayon kay PO3 Manabat, posibleng inatake sa puso ang lalaki habang nakikipagtalik. (Orly L. Barcala)