Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos sumakay sa isang depektibong elevator na bumulusok mula sa ika-10 palapag patungong basement ng isang condominium sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina John Lorenz Besmonte, 19, massage therapist, ng Unit 1104 Central Park Condo II na matatagpuan sa Macapagal Boulevard malapit sa EDSA Extension ng naturang lungsod; at Ronald Marga, 21, elevator operator sa naturang condominium.

Sa ulat na natanggap ni Pasay City Police Chief Senior Supt. Joel Doria, dakong 3:00 ng madaling araw nang magkrus ang landas ng dalawa sa ika-10 palapag ng condominium at nauwi sa mainit na pagtatalo sa hindi malamang dahilan.

Humantong sa suntukan ang pagtatalo ng dalawa at aksidenteng nadiinan ang pintuan ng depektibong elevator kaya bumukas ito at napasakay sila sa loob hanggang sa bumulusok pababa ng basement ng gusali.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nakalagak ang mga labi nina Besmonte at Marga sa Veronica Funeral Parlor habang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad sa insidente.

Tinitingnan ang anggulong selos sa pag-aaway ng dalawang lalaki. (Bella Gamotea)