RITZ AZUL copy

KUNG hindi raw napigilan ng Viva management ay nasa ABS-CBN na si Ritz Azul, tsika ng taga-TV5 na nakausap namin.

Hmmm, may offer pala ang Kapamilya Network kay Ritz?

In fairness, bukod sa napakaganda ay napakabait at napakagalang ng dalagang ito. Pero higit sa lahat, walang reklamo sa trabaho. Kaya puring-puri siya ng mga nakakatrabaho niya.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Paalis na siya ng TV5, inalok siya ng seryeng pagsasamahan nina Diet (Diether Ocampo) at Claudine (Barretto) na produced ng Viva, ‘yung Bakit Manipis Ang Ulap,” kuwento ng taga-Singko.

“Ang sabi, mag-reduce siya, so workout naman si bagets (Ritz) kasi excited siya, ‘tapos inalok siyang pumirma ng kontrata sa Viva. Nagulat si Ritz kasi bakit siya pipirma, eh, TV5 daw ang nagma-manage sa kanya. So, kung baga, kuwestiyon ‘yun.

“Nu’ng hindi siya pumirma, hindi na siya isinama sa serye, si Meg (Imperial) na ang ipinalit sa kanya kaya ang sama-sama ng loob niya.”

Balik-tanong namin, kung TV5 ang namamahala sa career ni Ritz, paano siya lilipat sa ABS-CBN? O expired na ba ang kontrata niya sa Singko kaya siya pinapipirma ng Viva ng kontrata?

Kung kami rin ang Viva management, papipirmahin din namin si Ritz ng kontrata kapalit ng projects. Ganu’n naman talaga, di ba, Bossing DMB?

Anyway, medyo magulo ang kuwento kaya sana ay makausap namin si Ritz o ang Viva management tungkol dito.

As of now, walang regular show si Ritz at puro guestings lang. Siya pa naman ang inaasahan ng kanilang pamilya.

(REGGEE BONOAN)