'The Intern' film premiere, London

NAPAULAT na pansamantalang mamamahinga si Anne Hathaway pagkatapos niyang isilang ang kanyang panganay.

Bagamat hindi kailanman kinumpirma ng 33-anyos na aktres na buntis siya sa una nilang anak ng asawang si Adam Shulman, ilang beses nang nakuhanan ng litrato si Anne na halata ang lumalaking baby bump. Naging abala ang nakalipas na mga taon para sa brunette beauty, na itinampok sa mga pelikulang gaya ng The Intern at Interstellar.

“Anne can’t wait to be a mum,” sabi ng insider sa Closer magazine ng Britain. “She’s been wanting it for a long time and waited until the right time to take a break from Hollywood. She feels she’s achieved so much already, it’s time to take a break from acting. She’s told friends she wants to put her career on the back burner for a while and concentrate on being a full-time mum.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dahil sa desisyong mamahinga muna sa Hollywood, sinabi pa ng source na hindi nagmamadali ang Oscar winner na ibalik ang dati niyang katawan pagkatapos manganak.

“Anne wants to be healthy and because she doesn’t want to rush back into a film role, she’s not putting herself under pressure to slim quickly,” anang source. “She does yoga every day and eats mainly organic food, although she has been tempted by bagels and doughnuts recently to combat morning sickness.” (Cover Media)