Kahit na sa nakararanas pa rin ng sobrang sakit dulot ng pagkatalo nito sa kanyang laban, tinupad pa rin ni UFC superstar Ronda Rousey ang binitawang pangako at dumalo ito sa Marine Corps Ball noong Biyernes.

Magugunitang naging viral ang isang video noong Agosto kung saan humiling si Jarrod Haschert, ang lance corporal, na si Rousey ang kanyang celebrity crush at gugustuhin niyang ito ang kanyang maging kapareha sa Marine Corps Ball na sinagot naman ni Rousey at kinumpirma na siya ay dadalo.

Noong Biyernes nga ng umaga, sumakay ng eroplano si Rousey patungong South Carolina upang tuparin ang kanyang pangako sa lance corporal.

“After the fight, she never hesitated for a second whether or not she was going to attend, ang sabi ng isang mapagkakatiwalaang source sa ESPN.”She made a promise to a Marine and was going to keep that promise. It was as simple as that. That’s Ronda.”

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Gusto man sanang isekreto ang pagdalo ni Rousey sa nasabing okasyon upang maiwasang magkagulo subalit nakita ito sa airport ng isang mamamahayag at tinanong kung pupunta siya sa “ball”.

“Honestly I probably would stay on my couch crying and eating ice cream for another month if he didn’t ask me,” ang sabi ni Rousey. - ESPN.com