Patay ang isang lalaki makaraan siyang saksakin ng isang construction worker matapos silang mag-agawan sa pagkanta sa loob ng isang videoke bar sa Binondo, Manila kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng 21 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Romulo Ynazon, ng 565 Valderama Street, Binondo, Manila na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Samantala, arestado naman si Edgar Pastrana, 26, construction worker at stay-in sa construction site na malapit sa Petron Gas Station sa Delpan.

“Magaling kasing kumanta ‘yung biktima, nag-iisa siya, tapos yang suspek may kasamang babae. Sabi inagawan daw siya ng kantang Poker Face,” salaysay sa pulisya ni Jessa Villacelio, may-ari ng videoke bar.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Turla na nangyari ang insidente dakong 3:30 ng umaga sa loob ng A & J Videoke Bar sa 275 San Miguel Road, Binondo, Manila.

Akmang kakantahin na ng biktima ang “Poker Face” nang lapitan ng suspek at pinagsasaksak.

Matapos na masaksak ang biktima ay tumakas ang suspek ngunit naaresto rin nang bumalik sa videoke bar.

Nang kapanayamin naman ang suspek sa loob ng piitan, ikinatwiran nito na sinaksak niya ang biktima dahil sa masama umano itong makatingin. (Mary Ann Santiago)