Kylie Padilla copy

SA presscon ng The Beauty and The Bestie sa Dolphy Theater ay ibinulong sa amin ng kaibigan naming ABS-CBN insider na natakdang maging Kapamilya si Kylie Padilla. Tatapusin na lang daw ng dalagang aktres ang natitirang ilang buwang kontrata nito sa GMA-7.

Banggit pa ng source namin, dapat nga raw ay mas nauna pang naging Kapamilya si Kylie kaysa sa amang si Robin Padilla na nagbalik at pumirma na ng dalawang taong kontrata sa Dos.

Siyempre, nasa Dos na rin uli ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez na ilang linggo na ring kasama nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, at maraming iba pa bilang host ng It’s Showtime. Komento pa nga ng kausap namin, mas lalo raw gumanda at lumalaban sa ratings game ang It’s Showtime simula nang pumasok si Mariel at si Amy Perez.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Sa totoo lang, buhay na buhay na ngayon ang show with Vice, Anne, Vhong, Mariel at Amy. Kumbaga, sa kanila pa lang, eh, kumpletos recados. Pero mukhang sa pagpasok ng mga bagong host, eh, may balita kaming may tatanggaling host na hindi naman nakakatulong,” bulong pa ng kausap namin.

Nakaplano na ang mga show na gagawin ni Robin sa Dos at may posibilidad na isama rin muna siya sa It’s Showtime.

(JIMI ESCALA)