John Lloyd at Bea copy

INIULAT sa TV Patrol na as of 7 PM last Wednesday, December 9, ang pelikulang A Second Chance nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay breaking box-office records ng alinmang pelikulang ipinalabas sa kasaysayan ng movie industry. Sa ngayon ay ito ang top grossing non-MMFF movie of all time na tumabo ng P442 million sa takilya.

Sa ginanap na victory party na dinaluhan nina ABS-CBN Chairman Gabby Lopez, CEO Charo Santos-Concio, at Channel Head Cory Vidanes at iba pang top guns ng network, naging emotional si Cathy Garcia Molina habang pinasasalamatan ang lahat ng nakasama niya sa likod ng big success ng One More Chance sequel.

Maging si John Lloyd ay nagsalita at aniya’y, “Kung titingnan mo ‘yun, parang nagkakaroon talaga ng purpose ‘yung ginagawa mo. Hindi ka lang basta-basta nagrereport sa trabaho. Hindi ka lang basta-basta bumabangon kahit mahirap. Parang it’s a good day para ma-appreciate ‘yung mga trabahong ginawa mo.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pahayag naman ni Bea, “Nakakatuwa na nagbunga ng ganito ‘yung paghihirap ng mga tao behind this movie kasi naging challenging ito para sa aming lahat so it’s a nice feeling.”

Tinanong sina Bea at John Lloyd kung anong meron sina Popoy at Basha at hanggang ngayon ay aliw na aliw sa kanila ang mga tao. “Alam na alam nila kung paano kausapin ang audience and naging masuwerte lang kami na nagkataon, kami ‘yung nandito,” sagot ni Lloydie.

“Yung success naman ng halos bawat pelikula na ginagawa namin, material-driven naman siya. Nabibigyan lang kami ng magandang script, ng magandang theme para makagawa ng isang magandang pelikula. And I appreciate na sinusuportahan siya ng tao. Feeling ko isa sa mga rason din is, Popoy and Basha being so relatable to everybody,” pananaw naman ni Bea.

Labis-labis ang pasasalamat ng mga bida sa overwhelming support ng moviegoers sa A Second Chance. “Maraming maraming salamat po talaga. This is too overwhelming. Hindi namin mai-express kung ano ‘yung gusto naming sabihin in words but we’re really, really going to thank our Kapamilyas. Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga nanood at patuloy na nanonood. At sa lahat po ng hindi pa nakakapanood, please don’t miss A Second Chance,” sabi ni John Lloyd.

“Maraming salamat po sa lahat ng nagmamahal kay Popoy at kay Basha. Maraming salamat sa lahat ng nanood at sana po patuloy n’yo pa rin panoorin,” salo ni Bea. (ADOR SALUTA)