Mga Laro ngayon (Dec. 12) Marikina Sports Center

7:00p.m.- PCU vs Sta. Lucia (for 3rd place)

8:30p.m.- FEU-NRMF vs Hobe Bihon-Cars Unlimited (Championship)

Naungusan ng Far Eastern University (FEU) - NRMF ang Philippine Christian University (PCU), 82-81, noong Huwebes ng gabi para mawalis ang semis, 3-0, at makakuha ng twice-to-beat advantage sa finals ng 5th DELeague Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Lamang ng dalawa ang PCU, 79-77, may 1:06 na lang ang natitira sa laro nang gumawa ng limang sunod na puntos si Prince Eze para mabigyan ng 82-79 kalamangan ang Tamaraws.

Umiskor ng quick-two points si Mike Ayonayon para makadikit ang PCU, 81-82, may 20-segundo pa ang nalalabi. Agad namang nag-foul ang mga Dolphins para ihatid sa free throw line si Eze.

Nagmintis si Eze sa dalawa niyang gift shots ngunit nabigo ang PCU na maagaw ang kalamangan matapos sumablay ang tira ni Ayonayon.

Muling na namang nagbigay ng duty foul ang Dolphins para ilagay sa free throw line si Rey Nambatac. Sumablay sa dalawang tira si Nambatac ngunit nakuha ng Tamaraws ang offensive rebound at inubos na nito ang nalalabing oras para makuha ang panalo.

Tinapos ni Eze ang laro na may 17-puntos habang gumawa naman ng tig-10 puntos sina Rey Nambatac at Chirs Javier para sa FEU-NRMF na hindi pa natatalo sa torneong itinataguyod ni Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PSBank, Accel Sportswear, PCA -Marivalley, Angels Burger, Mckies Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print Advertising, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at nina Mr. and Mrs. Dot Escalona.

Sa isa pang laro, tinambakan ng Hobe-Bihon Cars Unlimited ang Sta. Lucia Land Inc., 96-71, para tapusin ang semis na may 2-1 record at masungkit ang isa pang silya sa finals.

Sa Sabado, maghaharap ang Sta. Lucia at PCU para sa one-game battle for third place na mag-uumpisa ng 7:00 ng gabi at bubuksan naman ng FEU-NRMF at Hobe Bihon-Cars Unlimited ang finals dakong alas-8:30 kung saan may twice-to-beat edge ang Tamaraws.

Ang champion team ay mag-uuwi ng P200,000 at tropeo habang ang 1st runner-up ay mananalo ng P100,000.

Mabibili ang ticket sa halagang P10 lamang. (ANGIE OREDO)