LE BOURGET, France (AFP/Reuters) — Inaasahang tatapusin ng mga ministro mula sa buong mundo ang 195-nation UN climate-saving deal sa Sabado (Linggo sa Pilipinas), lagpas ng isang araw sa orihinal na deadline, sinabi ng French hosts.
“It will be presented Saturday morning for adoption midday,” sabi ng isang source sa French presidency of the Paris climate conference.
Sinabi ni French Foreign Minister Laurent Fabius, nangangasiwa sa mga pag-uusap, noong Biyernes na ipipresinta niya ang bagong compromise text ng kasunduan para labanan ang global warming sa Sabado ng umaga.
“But the atmosphere is good, things are positive, things are going in the right direction,” sabi niya sa French BFMTV. Ang taunang U.N. climate meetings ay madalas na abutin ng weekend.
Ang mga pag-uusap, sinimulan noong Nobyembre 29, ay nakatakda sanang magtapos nitong Disyembre 11, Biyernes.
“The night (into Friday) was very hard,” sabi ng isang source.
Sa mga pag-uusap noong Huwebes ng gabi ay patuloy na nagtatalo ang mga bansa sa maraming isyu, tulad kung paano ibabalanse ang mga aksyon ng mayaman at mahirap, hanggang sa paglimita sa greenhouse gases at sa long-term goals ng anumang kasunduan para limitahan ang emissions, sabi ng sources.