CEBU CITY – Sa unang pagkakataon simula nang ipag-utos ng Malacañang ang 60-araw na preventive suspension niya nitong Disyembre 9, humarap sa publiko si Cebu City Mayor Michael Rama at inihayag na tatalima siya sa suspensiyon.

Kababalik lang mula sa pagdalo sa isang official function sa Paris nitong Miyerkules, pinatawan si Rama ng 60-araw na preventive suspension, kaugnay ng reklamo laban sa kanya ng isang barangay chairman noong unang bahagi ng 2014, sa umano’y ilegal na paggiba sa center island at sa isang street lighting project sa Katipunan Street.

Sa pagtitipon sa harap ng Cebu City Hall kahapon, inamin ni Rama na siya ay “deeply hurt” sa suspension order na ibinatay sa mga reklamo na una na niyang iginiit na walang basehan.

“The order from Malacañang does not suspend me as a person but suspends our service to the public,” sinabi ni Rama sa harap ng mahigit 2,000 tagasuporta niya at mga kawani ng lungsod. (Mars W. Mosqueda, Jr.)
Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR