TARLAC CITY — Hindi nakayanan ng isang tricycle driver ang personal na problema nito sa asawang nasa Saudi Arabia at dahil sa matinding hinanakit ay ipinakita sa cellphone ang labaha na gagamitin sa paghiwa sa kanyang braso na sinundan ng kanyang pagbigti sa Block 4, Barangay San Manuel, Tarlac City.

Sa ulat ni SPO1 Alexander Siron, kay Tarlac Chief of Police Supt. Felix Verbo, Jr., kinilala ang nagpakamatay na si Rolando Quinto, Jr., 31.

Dakong 1:00 ng madaling araw noong Huwebes ay nag-usap sa cellphone sina Quinto at asawang si Apply na nasa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) hinggil sa isang personal na bagay hanggang sa mauwi ito sa hindi pagkakaunawaan.

Bago nagpakamatay ay ipinadala ng mister sa kanyang misis, sa pamamagitan ng Yahoo Messenger, ang video ng labaha na ginamit niya sa paghiwa ng kanyang kaliwang braso bago nagbigti.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tumanggi naman ang ama ng biktima na isailalim ang anak sa awtopsiya. (LEANDRO ALBOROTE)