Onyok at Coco copy

KUMPIRMADO na namin na si Onyok ang may hawak ng titulong Child Wonder na dating ibinigay noon kay Niño Muhlach na ipinamana niya sa anak niyang si Alonzo Muhlach.

Pero sa nasaksihan namin ang reaksiyon ng mga taong nasa loob ng Smart Araneta Coliseum noong Martes ng gabi para Thank You For The Love: The ABS-CBN Christmas Special na dinaluhan ng lahat ng sikat na Kapamilya stars, kahanay ni Onyok ang KathNiel, JaDine, LizQuen sa nakakabinging hiyawan at sigawan ng audience.

Hindi rin nagpatalo si Onyok sa mga humiyaw kina Piolo Pascual, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Coco Martin at iba pang big stars ng Dos.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Habang nagpapakitang gilas kasi ang FPJ’s Ang Probinsyano tandem na sina Coco at Onyok sa kinanta nilang Awit ng Kabataan, talagang walang tigil ang hiyawan ng mga tao sa Big Dome hanggang sa matapos.

Matindi pala talaga ang followings nina Cardo at Onyok, kaya ‘yung panawagan namin sa Star Cinema, igawa na ninyo ng pelikula pagkatapos ng Ang Probinsyano dahil tiyak na box office hit ‘yan.

Napakasaya ng Thank You For The Love Christmas Special dahil ayaw magpatalo ang fans ng love teams ng bawat teleserye sa palakasan ng pagtili. Nagsama-sama kasi sa isang production number sina Ian Veneracion at Jodi Sta.

Maria (Pangako Sa ‘Yo), Richard Gomez at Dawn Zulueta (You’re My Home), Albert Martinez at Yen Santos (All of Me), Nash Aguas at Alexa Ilacad, Julia Barretto at Kenzo Gutierrez (And I Love You So), Sam Milby at Julia Montes (Doble Kara), Richard Yap at Agot Isidro (Ang Probinsyano), Janella Salvador at Elmo Magalona and surprisingly, Iñigo Pascual at Miles Ocampo.

Sina Iñigo at Miles na ba ang bagong magka-love team at hindi na si Julia Barreto? Sa madaling sabi, sa seryeng And I Love You So ay mapupunta na ang ex-Goin’ Bulilit at Luv U star sa binata ni Piolo?

In fairness, bagay din sila, next to Sofia Andres, huh!

Most applauded production number din ang Your Face Sounds Familiar segment kasama sina The Voice Season 1 winner Mitoy Yonting ka-duet si Nyoy Volante na look-alike ni Freddie Mercury ng Queen, Myrtle, Maxene Magalona at Eric Nicolas, Denise Laurel bilang si Lea Salonga ka-duet si Jed Madela sa awiting Sunlight, Alex Gonzaga sa awiting Insecure at Kean Cipriano, KC Concepcion ka-duet si Karla Estrada bilang si Sharon Cuneta at Pokwang with Melai Cantiveros bilang Tina Turner na hiyawan to the max ang tao.

Marami pang inihandang magagandang world-class production numbers ang Kapamilya stars, kaya naman saan mang sulok ng mundo ay ABS-CBN stars talaga ang iniimbitahan.

Nagpasalamat sa lahat si Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III sa walang sawang pagsuporta sa Kapamilya Network sa loob ng maraming taon at maging sa lahat ng mga empleyado niya na bumubuo ng mga programa para lalong mapaganda ang mga ito.

Mapapanood ang ABS-CBN Christmas Special sa Disyembre 19 (Sabado) at Linggo (Disyembre 20). (REGGEE BONOAN)