Gabby and Carla 5 copy

ANG lupit talaga ng charm ni Gabby Concepcion dahil kahit kanino ipareha, lumulutang ang chemistry at nakikita ito sa tambalan nila ni Carla Abellana sa Because of You ng GMA-7.

Kapag magkaeksena ang dalawa, hindi aakalaing anak na ni Gabby si Carla kung edad ang pag-uusapan.

Ligwak ang edad kapag eksena na nila ang napapanood sa Because of You. Tutok na tutok ang televiewers sa panonood dahil aliw tingnan sina Gabby at Carla na match na match sa looks department.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Naikuwento ni Gabby sa presscon ng Because of You na halos sabay nanganak sina Sharon Cuneta at Rhea Reyes kina KC Concepcion at Erika Reyes (older sister ni Carla) at nagkita pa sila ni Rey “PJ” Abellana sa ospital. So, imadyinin n’yo kung ilang taon ang agwat ng edad nina Gabby at Carla and yet, nagmumura ang chemistry nilang dalawa.

Samantala, nasa bansa na yata si Gabby after his Barcelona trip dahil nag-post na siya ng picture nila ng ibang cast ng Because of You at magandang balita ang sumalubong sa kanya. Ito’y ang mataas na rating ng kanilang show sa NUTAM PPL PRIME:

“Six days of showing. RESEARCH Dec. 8 NUTAM PPL PRIME BECAUSE OF YOU 9.5 congratulations to all:) involved in the creation of this show. Well done.”

Nire-request ng fans ng tambalang Gabby at Carla na muli silang magsama sa pelikula at posible ito kung ang Regal Entertainment ang producer dahil contract star nila si Carla. Freelancer naman si Gabby kaya kahit saang film company ay puwedeng gumawa ng movie. (NITZ MIRALLES)