MAIKLING “Not True” na mensahe sa Twitter ang sagot at pagde-deny ni Alden Richards sa sagot na “Yup” ni Direk Rich Ilustre sa tanong ng isang fan nina Alden at Maine Mendoza kung si Julie Anne San Jose ba ang real girlfriend ng binata.

Sa presscon ng My Bebe Love: Kilig Pa More, muling sinabi ni Alden na single siya, walang GF at ang focus ay sa career at sa love team nila ni Maine. Wala pa man silang relasyon ni Maine, “good friends” at “komportable” na sa isa’t isa ang isinagot sa tanong hinggil sa kanilang status.

Malaking gulo ang ibinunga ng tweet ni Direk Rich, nagalit sa kanya ang Aldub Nation at pinalabas na noon pa siya may galit kay Maine at mas pabor siya kay Julie Anne bilang ka-love team ni Alden.

Na-bash si Alden at muling pinagdudahan ang intention kay Maine, pang-career lang daw ang habol niya sa dalaga at hindi niya talaga ito mahal. May mga naniwala ring may relasyon sina Alden at Julie kahit matagal at paulit-ulit na niya itong itinatanggi.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Na-triple ang pamba-bash ng AlDub fans kay Julie Anne na wala namang kasalanan at nadamay lang sa isyu. May nagsa-suggest na umalis na lang siya sa Sunday Pinasaya para matapos na ang isyu sa kanila ni Alden, pero unfair naman ito dahil ang GMA-7 at Tape Entertainment ang naglagay sa kanya sa show at hindi si Alden.

Hanggang ngayon, wala pa ring reaction si Julie Anne sa isyu na para sa amin, mas tama para hindi na lumaki pa ang gulo. Ang problema, ang fans naman niya at ang Aldub Nation ang patuloy na nag-aaway at sumusugod pa sa Instagram (IG) ng kani-kanilang kampo para roon mag-away.

Maggi-guest si Maine sa Sunday Pinasaya sa Sunday para mag-promote ng Eat Bulaga at sa binanggit niya sa presscon ng MMFF entry na “hindi dapat mag-away-away,” mukhang matutuloy pa rin ang guesting nito sa show.

Samantala, agad nag-sorry si Direk Rich sa Aldub Nation, aniya, “To #AldubNation, I sincerely apologize. I was wrong. It was a mistake on my part. Rest assured I will be more cautious in the future.”

Noong Wednesday, nag-apologize na rin si Direk Rich kina Alden, Maine at Julie Anne na idinaan sa Twitter.

“Logged on to offer my heartfelt apologies to @aldenrichards02 for my mistaken posts and all the damage that resulted from it.”

“@MyJaps I have the utmost respect for u and it was never my intent to do any harm. I am deeply sorry for the mistaken tweet.”

“And most especially to @mainedcm I am sorry for the misunderstanding. Know that I consider myself not just your director but also a friend.”

Dagdag pa ni Direk Rich, “It’s a totally humbling lesson to see the power of 1 unintentional word or click. But I accept all responsibility 4 d effects of my mistake.”

Sa sinabi nina Alden at Maine, sa pananahimik ni Julie Anne, at pagso-sorry ni Direk Rich sa tatlo, sana nga matapos na ang isyu at away ng Aldub Nation at fans ni Julie Anne para masaya ang lahat at good vibes lang.

Samantala, sa cinemas 9 and 10 ng SM Megamall ang premiere night ng My Bebe Love sa December 21. Sa Dec. 23, ang Parade of Stars at Dec. 25, ang opening ng MMFF. (NITZ MIRALLES)