HINDI na sinagot ni Carla Abellana ang tanong ng kanyang fans kung bakit pumayag siyang i-endorse si Mar Roxas. Pinabayaan na niya na may mga na-disappoint sa pag-i-endorse niya at may ilan pa ngang nag-unfollow sa kanya sa Instagram account dahil doon.

Nakita kasi si Carla sa TV ad ni Mar kasama ang iba pang talents ng manager niyang si Arnold Vegafria at kahit walang hawak na may nakasulat na #FastForward, may hand sign naman ng sign ni Mar.

Pati ang GMA Network nadamay pa sa disappointment ng ilang fans dahil bakit daw pinayagang mag-endorse si Carla ng kandidato. Akala raw nila pinagbabawalan ng network ang kanilang talents na mag-endorse ng kandidato. Nakalimutan ng fans na may manager si Carla at si Arnold nga iyon at network contract lang ang pinirmahan niya sa GMA-7.

Mabuti na lang at hindi apektado ang teleserye ni Carla na Because of You sa negative reaction ng fans dahil patuloy pa rin nilang susubaybayan ang series. In fairness, maganda ang series, light/drama/comedy, kaya less stress sa viewers.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kahit malaki ang agwat ng edad nina Carla at Gabby Concepcion, may chemistry pa rin sila, kaya kinikilig ang viewers, lalo na nang halikan ni Gabby si Carla sa isa sa latest episodes. (NITZ MIRALLES)