VICE GANDA copy

MAY presscon bukas ang movie nina Vice Ganda at Coco Martin na Beauty and The Bestie, matatanong na si Vice kung ano ang totoo sa kanila ng guy na si Jeff Arvi Go Dy.

Nagkagulo ang fans ni Vice Ganda nang i-post niya sa Instagram (IG) ang box ng black and white roses na nilagyan niya ng caption na “Eeeeeeeeeee!!! Ang sweet mo! Kinilig kaya ako! Syangapala ‘yung sukli san mo nilagay!??”

Kasunod noon, nag-post ng picture si Jeff Arvi Go Dy gamit ang IG account na@oneandonlyjdy ng same box of black and white roses at may caption na, “A sweet surprise for someone special.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Hayun, nalaman ng netizens na galing kay Jeff Arvi Go Dy ang box of roses at katakut-takot na panunukso ang inabot ni Vice Ganda. May natuwa at masaya para sa kanya, may nanlait at may nang-okray.

May fans din si Vice Ganda na agad hinanap sa FB ang account ni Jeff Arvi Go Dy at nalamang may fiancée na ito at friends lang sila ni Vice Ganda.

Samantala, entry ng Star Cinema sa MMFF ang Beauty and The Bestie sa direction ni Wenn Deramas. Kasama sa pelikula sina Karla Estrada, Marco Masa, Ryan Bang, MC en Lassy, Badji Mortiz at Alonzo Muhlach. (NITZ MIRALLES)