CARLA copy

KUMAWALA nang tuluyan si Carla Abellana sa dati niyang forte sa drama na huli niyang ginawa sa role sa Pari Koy na maysakit na cancer na ikinamatay pa ng character niya.

“Kaya po natuwa ako nang ang Because of You ang sumunod na assignment ng GMA-7 sa akin kabaligtaran ng characters na madalas kong gampanan noon,” natatawang wika ni Carla.

“Ako kasi, as Andrea, ay hindi naman lumaki sa isang masaya at mayamang kapaligiran, iniwanan nga siya ng kanyang mga magulang at lumaki sa isang ampunan. Pero masayahin si Andrea at walang masamang tinapay sa kanya, kahit pa nang iwanan din siya ng boyfriend niya sa harap ng altar sa araw ng kanilang kasal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Enjoy po ako talaga sa character ko na parang luka-luka ako kung minsan, nang kunin akong executive assistant ni Jaime Salcedo (Gabby Concepcion) na siyang makatutulong sa akin para malimutan si Oliver (Rafael Rosell). Pero hindi lang doon matatapos ang trabaho ko dahil mai-in love kami sa isa’t isa ni Jaime matapos siyang iwanan ng kanyang asawa.

At mas marami pang mangyayari dahil apat ang anak ni Jaime na pakikisamahan ko. Siyempre, hindi nila ako tatanggapin, pero isa sa kanila ang mamahalin ako. Paano ang tatlo pang anak niya, lalo na ang panganay na si Cheska (Joyce Ching) na very close sa ina nilang si Veronica (Valerie Concepcion)?”

Pero nag-enjoy din si Carla sa gumaganap na best friends niya sa story na sina Vaness del Moral (Alex) at Iya Villania (Rebecca) in her first drama series sa GMA-7. Magkataliwas ang ugali ng dalawa at kaabang-abang din kung paano nila tinutulungan si Andrea.

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng sumusubaybay sa amin gabi-gabi, pagkatapos ng Little Nanay at nagpapataas ng rating namin. Salamat din kay Direk Mark Reyes na alam niya ang kiliti ng mga manonood sa masasayang eksena namin na nagugustuhan nila. Salamat po.” (NORA CALDERON)