richard-yap copy

BILANG Sir Chief sa Be Careful With My Heart nakilala at minahal nang husto ng publiko si Richard Yap. Binansagan nga siyang dream employer.

Kaya ikinagulat ng kanyang supporters ang biglaang pagbabago ng imahe niya bilang karagdagan at pangunahing kontrabida sa top-rating teleseryeng Ang Probinsiyano.

Nakalulungkot ang ilang aberyang nangyari sa taong ito sa showbiz career ni Richard Yap katulad ng pagkaka-shelve ng proyektong pagtatambalan nila ni Judy Ann Santos. Bagamat naisama siya sa casting ng Wansapanataym, hindi gaanong lumikha ng ingay ang kanyang participation.

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Ginagampanan ni Richard ang karakter ni Phillip Tang, leader ng deadly crime syndicate na numero unong kaaway na susugpuin ni Coco Martin.

Malaking hamon para sa aktor ang pagiging kontrabida dahil nakilala siyang napakabait sa Be Careful… bagamat may ilang obserbasyon na kaming naririnig na inihahalintulad kay Eddie Garcia ang kanyang versatility.

Abangan pa natin kung gayon nga. (REMY UMEREZ)