Patuloy ang pamamayagpag ng defending champion San Beda College sa ginaganap na NCAA Season 91 football tournament sa Rizal Memorial Track and Football Field at pinakahuli nilang biktima ang University of Perpetual Help System Dalta, 14-0.

Dahil sa panalo, mayroon na ngayong natitipong 9-puntos ang Red Booters na nagpatatag ng hawak nila sa liderato.

Ang panalo rin ang ikatlong sunod na lopsided win para sa San Beda kasunod ng 12-0 panalo nila laban sa Emilio Aguinaldp College at 17-0 kontra Mapua para sa kabuuang 43 goals.

Sa iba pang laban, tinalo naman ng Arellano University ang College of St. Benilde, 1-0, habang nanalo naman ng walang kahirap-hirap ang Lyceum of the Philippines University matapos dumating na kulang-kulang ang players ng koponan ng katunggaling Generals.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Dahil dito, katabla ng Chiefs at Pirates sa ikalawang puwesto taglay ang tig-6 na puntos.

Nanatili namang may 3-puntos ang Blazers para sa ika-apat na puwesto habang wala pang puntos ang Altas, Generals at Cardinals. (MARIVIC AWITAN)