TARLAC CITY – Tatlong katao ang nasugatan sa pagsasalpukan ng dalawang motorsiklo sa Tarlac-Sta. Rosa Road sa Barangay Matatalaib, Tarlac City.

Kinilala ni PO2 Julius Apolonio ang mga biktimang sina Ramington Munar, 26, driver ng Sym motorcycle na walang plaka, ng Bgy. San Miguel, Tarlac City; John Nikko Sotto, 19, driver ng Honda motorcycle (XJ-7902); at pasaherong si Divine Domingo, 18, kapwa ng Bgy. Aguso, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang banggaan dakong 11:30 ng gabi, patungo noon si Munar sa kanluran nang aksidenteng makabanggaan ang kasalubong na tricycle. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog