Isang magkapatid ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ng hindi kilalang suspek sa Maitum, Sarangani, kamakalawa ng hapon.

Nagpapagaling ngayon sa isang pagamutan sa Maitum ang magkapatid na kinilalang sina Danilo Birimil at Ronald Birimil, kapwa magsasaka.

Ayon sa imbestigasyon ng Maitum Municipal Police, naglalakad ang mga biktima nang bigla silang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.

Sa salaysay sa pulisya ni Lorita Ibrahim, kaanak ng magkapatid, naglalakad ang dalawa nang apat na beses na paputukan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nagtamo ng tama ng bala sa kamay, hita at bayag si Danilo habang si Ronald ay napuruhan sa hita.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima makaraang makahingi ng tulong ang magkapatid sa mga kapitbahay.

Inimbestigahan ng pulisya ang naturang ang insidente na hinihinalang matagal nang may galit ang salarin kay Danilo. - Fer Taboy