MAGANDA ang feedback sa bagong campaign ad ng senatoriable na si Isko Moreno, ang “Alam ko po ‘yun” ad na umeere na ngayon sa mga telebisyon. Kaya nang makausap namin ang Manila Vice Mayor, ito ang agad naming ipinarating sa kanya.

Natuwa naman agad ang actor/politician at pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong gumawa ng nasabing campaign ad at kasama rin daw sa naging inspirasyon niya ay ang mga constituents niya sa Manila.

Ayun pa kay Isko, sariling idea niya ‘yun at ini-record sa music studio ng award winning composer na si Vehnee Saturno. 

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nagmula sa mahirap na pamilya si Manila Vice Mayor Isko na aminadong malaki talaga ang utang na loob niya sa showbiz na naging dahilan kung bakit napasok niya ang mundo ng pulitika.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Samantala, aware si Isko na malaki pa rin ang posibilidad na tumakbo para pangulo si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Nagpahayag na nga si Erap na kung tuluyang madi-disqualify si Sen. Grace Poe at magkaroon pa rin ng problema si VP Jejomar Binay, pagiging pangulo ang pupuntiryahin nito.

So, siya ang tatakbong mayor ng Maynila?

“Well, let us all wait and see. Basta tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari ngayon at hanggang sa December 10,” sey pa rin ni VM Isko. —Jimi Escala