Alex Gonzaga
Alex Gonzaga
PANAY ang padaplis at pakikay na sagot ni Alex Gonzaga nang uriratin ng showbiz press tungkol sa kanyang love life. May Chinese boylet kasi siya na ibinuking na nga ni Katotong Reggee Bonoan.

Basta ang sey lang niya, four months na silang exclusively dating ng kanyang boyfriend na Law student sa Ateneo. Ayaw man niyang pangalanan, kasi naka-reserve daw ‘yun sa librong sinusulat niya ngayon, hayun at natunton na ni Reggee si Mr. Carlo Chungunco.

At ang description niya sa kanilang relasyon ay “mabulaklak”.

Pero hindi pa nadidiligan ang kanyang bulaklak. Daw! Siyempre, ‘di papayag si Mommy Pinty niya, ‘noh! Dapat virgin bride siya tulad ng kanyang utol na si Toni Gonzaga.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

But take note, iba si Alex, iba si Toni. Ewan lang if pareho ang kanilang pananaw sa pag-ibig. ‘Yun na! —Mercy Lejarde