Naglabas kahapon ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ng “red light” upang pansamantalang ipatigil ang operasyon ng kontrobersiyal na app-based transportation services na Uber at GrabCar.

Ito ay matapos pahintuin ng Branch 217 ng QCRTC ang operasyon ng nabanggit na dalawang online private vehicle booking services sa pamamagitan ng 20-day temporary restraining order (TRO).

Ang kautusan ng hukuman ay sumasalungat sa Department Order No. 2015-011 na inilabas ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na nagpapahintulot sa operasyon ng Uber at GrabCar.

Nag-ugat ang usapin sa petisyong isinampa ng Stop & Go Transport Coalition na humihiling sa korte na ipatigil ang operasyon ng mga ito dahil sa negatibong epekto nito sa negosyo ng ibang public utility vehicle (PUV).

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

(Rommel P. Tabbad)