Isang buntis sa General Santos City ang namatay kamakailan dahil sa mga komplikasyon ng acquired immune deficiency syndrome (AIDS), kaya nasa 18 na ngayon ang namamatay sa mga may human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Mely Lastimoso, hepe ng Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng General Santos City, namatay ang babae dahil sa “opportunistic infections” habang ginagamot sa isang ospital sa Davao City.

Batay sa datos ng gobyerno, ang babae ang ika-18 namatay sa AIDS sa bansa simula nitong Marso.

Sinabi ni Lastimoso na positibo rin sa HIV ang mister ng namatay.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Aniya, apat sa 100 sumailalim sa libreng HIV screening sa GenSan ang nagpositibo sa virus. (Ali G. Macabalang)