Inaprubahan ng House committee on Transportation noong Miyerkules ang amended motion ni Abakada party-list Rep. Jonathan dela Cruz, na nananawagan sa NBI na bigyan ang LTO ng “negative list” na naglalaman ng mga pangalan ng mga indibidwal na nasangkot sa mga krimen.

Pinalitan ng mosyon ni Dela Cruz ang orihinal na mosyon na inihain ni Leyte Rep. Andres Salvacion Jr., na nananawagang ibasura ang NBI at police clearance requirement ng LTO para sa mga aplikante ng professional driver’s license.

Sinabi ng beteranong mambabatas na maaaring kailangan ng mga aplikante para sa driver’s license na magsumite ng police clearance, subalit hindi na kailangang maging compulsory ang magbigay sa LTO ng NBI clearance kung magkakaroon ang ahensiya ng access sa “negative list” ng NBI.

“Instead of requiring everybody to get NBI clearance, what we can do is request the NBI to provide the LTO with the ‘negative list.’ People can then get either the police or NBI clearance if the LTO already has the ‘negative list’ from the NBI,” aniya.

National

Hontiveros, pinaiimbestigahan napaulat na mga Pinay na ginagawang surrogates abroad

Naunang iniutos ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya ang suspension ng direktiba ng LTO na kailangan ang NBI at police clearance para sa mga aplikante ng driver’s license matapos magreklamo ang publiko rito.

Sinabi ni NBI Deputy Director for Special Investigation Atty. Antonio Pagatpat na imbes na ilista ang lahat ng mga indibidwal na may criminal record, dapat na magbigay ang LTO ng specific list ng mga krimen na maaaring may kaugnayan sa pagmamaneho upang masala ang listahan ng mga offender na maaaring ma-disqualify sa pagkuha ng lisensiya.

(PNA)