GINA copy

NAPANOOD namin ang episode ng The Half Sisters na habang umiiyak si Thea Tolentino ay sa left eye lang may luhang tumulo. ‘Yun ang episode na may nangyari kunwari kina Thea at Andre Paras at sa sobrang guilty ni Thea sa kapatid na si Barbie Forteza na ex-GF ni Andre, napaiyak siya.

Pinahanga ni Thea si Direk Gina Alajar, ang director ngayon ng The Half Sisters, dahil naibigay ang eksenang hiningi niya. Partikular na sa left eye tumulo ang luha ni Thea dahil ‘yun ang side ng face ni Thea na may ilaw at makikita ang pagtulo ng kanyang luha.

Na-challenge rin si Direk Gina kay Andre na first time niyang nakatrabaho at natuwa siya dahil nakikinig ito at willing matuto. Nalaman ni Direk Gina na nenerbiyos si Andre dahil sinisita niya ang bawat eksena nito at feeling ng young actor, puro mali ang kanyang ginagawa.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kinausap ni Direk Gina si Andre at ipinaliwanag na nagdaan sa one year transition ang karakter niyang si Bradley, kaya kailangang makitaan ng pagbabago. After that talk, naging okay na ang lahat sa kanila.

Ano sa palagay ni Direk Gina ang sikreto ng The Half Sisters na after one year ay umeere pa rin at batay sa ratings, hindi pa pinagsasawaan panoorin ng viewers?

“One of the secrets of the show is the production team. They are very warm, very nice to work with, walang reklamo at walang siraan sa set. Unang report ko pa lang noong November 4, naramdaman ko agad ang positive vibes at ang mainit  na welcome sa akin ng lahat. Kung sa ibang set tinatamad akong mag-report, dito lagi akong excited,” sabi ni Direk Gina. (Nitz Miralles)