Bimby copy

NAKABALIK na sa Manila sina Kris Aquino at Derek Ramsay mula sa shooting sa Coron, Palawan ng All You Need is Pag-ibig. Pagbalik ng Manila, tuloy ang shooting ni Kris ng MMFF entry ng Star Cinema dahil malapit na ang deadline.

‘Katuwa ang Instagram post niyang umiiyak si Bimby nang makita siyang inaayusan para sa shooting dahil limang araw nga naman silang hindi nagkasama at nagkita, pero pag-uwi niya, nagtrabaho pa rin siya.

“I was away shooting for 5 nights. This was Bimb’s reaction when he saw me being made up because I’m still shooting tonight & I told him it’s going to be an all nighter. All other working moms I’m sure can identify w/ how heartbreaking it is to be missed by our kids,” caption ni Kris sa picture ni Bimby na may luha sa mga mata.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, babawi si Kris kina Bimby at Josh dahil sa New Year, sama-sama na naman silang magbabakasyon. Hindi pa sinasabi kung saan, pero nabanggit na ni Kris na aalis silang mag-iina para magbakasyon sa ibang bansa sa Bagong Taon.

Marami ang kinilig nang i-post ni Kris ang picture nila ni Derek na naka-topless si Derek, bagay daw silang dalawa at may mga nag-wish na naman na sana ay maging sila in real life. Pero sinabi na ni Kris na mas masaya sila ni Derek na magkaibigan lang at ngayon ay magkatambal sa movie. At the same time, marami rin ang nainggit kay Kris dahil nakita ang body beautiful ni Derek pati ang abs nito na pinapangarap lang ng ibang babae na makita. (NITZ MIRALLES)