Makikiisa sa kauna-unahang pagkakataon ang Pilipinas bilang pinakabagong miyembro sa Children of Asia International Sports Games na gaganapin sa darating na Hulyo 5-17, 2016 sa Yakutsk at Nizhny Bestyakh na lugar sa Sakha Republic (Yakutia) ng Russian Federation.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) Director at Grassroots Development Chairman Romeo Magat kasama ang kapwa director na si Celia Kiram na pormal na inimbitahan ang Pilipinas upang lumahok sa kada apat na taong torneo na katulad mismo sa isinasagawa sa bansa na Philippine National Youth Games – Batang Pinoy.

“It will be like the Olympics of Batang Pinoy dahil 15-years old and below din ang mga kasali,” sabi ni Magat, na siya nang secretary-general ng Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA). “Lahat ng mga kasali sa Children of Asia ay ang mga bata na sinasanay mismo para makaabot sa regular na Olympics,” sabi pa ni Magat.

Kinumpirma naman ni Kiram, pangulo ng Pencak Silat, ang pagpapadala ng delegasyon sa torneo na bubuuin ng mga pinakamagagaling na batang atleta na makukuha sa isinasagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) na qualifying at national championships ng Batang Pinoy.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Confirmed na tayo na sasali sa imbitasyon mismo ng presidente ng torneo dahil isa lamang tayo sa mga tanging bansa sa Asia na hindi pa nakasasali sa nakaraan nilang mga staging,” sabi ni Kiram. “Siguro, maliit munang na delegasyon dahil hindi pa natin sigurado ang mga mapipiling best athlete sa Batang Pinoy,” sabi pa nito.

Sorpresang nagtungo sa bansa at tumuloy sa Cebu City ang presidente ng Children of Asia Games International Committee na si Dmitry Glushko at secretary general na si Sergie Khatylykov noong Martes ng gabi upang personal nitong maobserbahan at makita ang pagsasagawa ng Batang Pinoy Finals.

Ang Children of Asia ay suportado naman ng Olympic Committee of Russia president Aleksandr Zhukov, Minister for Education and Science of the Russian Federation Dmitry Livanov, Sakha Republic (Yakutia), Russian Federation President Egor A. Borisov, Minister for Sports of the Russian Federation Vitaliy Mutko at Olympic Council of Asia President Shiek Ahmad Al-Fahad Al-Sabah.

Kabuuang 22 sports ang paglalabanan sa torneo na girls at boys Basketball, Boxing, Volleyball, Judo, Kurash, Track and Field / Athletics, Mas Wrestling, Table Tennis, Shooting, Powerlifting (paralympic program), Swimming, Sambo, Sports Wrestling (Freestyle Wrestling), Archery, Trap Shooting at Taekwondo (WTF).

Kasama din ang Football (boys only), Khapsagai (boys only), Rhythmic Gymnastics (girls only), Chess, Draughts at ang tradisyunal na sports na Yakut National Jumps o mas popular sa bansa bilang Kandirit o pagtalon ng sunod-sunod na 11 beses sa kaliwang paa lamang.

Hangad naman ng 6th Children of Asia International Sports Games na maipalaganap ang ideya ng Olympic movement, ang development ng mga kabataan at youth sports at mapalakas pa ang international sports cooperation sa lahat ng mga bansa sa Asya at Russian Federation.

“The main objectives of the Games are strengthening of friendship between children of the countries of the Asian Continent and regions of the Russian Federation, mastering of sports skills, identification of the best athletes for the national Olympic team reserves of the countries of the Asian Continent and the Russian Federation, development and promotion of sports for physically challenged children at development and promotion of traditional sports of the peoples of the Asian continent,” sabi pa ni Magat. (ANGIE OREDO)