Ang mixed martial arts (MMA) fighter na sina Angela Lee at ang nakababata nitong kapatid na si Christian ay hahagupit ng atensiyon sa Manila sa linggo upang lumaban sa “ONE: Spirit of Champions”, na gaganapin sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay, City sa Disyembre 11, 2015.

Si Strawweight Angela (3-0), ay nakatakdang harapin si Lena Tkhorevska (3-1), isa sa sumisikat na MMA star sa Poland.

Samantala, si Christian ay sasalang sa kanyang debut bilang professional MMA fighter sa paglaban nito kay David Meak (1-4) sa featherweight na laban.

Ang magkapatid na MMA fighter ay irerepresenta ang Waipahu, Hawaii subalit sila ay Singaporean descent.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Inaasahan ang matinding labanan sa pagitan ni Angela at Tkhorevska na mayroong kakaibang istilo sa solid ground game. May rekord si Tkhorevska ng mga knockout at mga panalo sa kanyang professional profile.

Isang testamento rito ang kanyang knockout victory kontra Maria Blaczczuk noong 2013 dahil sa kanyang kakaibang puwersa sa pagsuntok.

Si Christian naman, na isang multiple-time Junior Pankration World Champion na mayroong purple belt sa Brazilian Jiu-Jitsu, ay magpapamalas ng kanyang fighting style kontra kay Meak.

Ang One: Spirit of Champions ay isang headline match-up sa pagitan nina heavyweights Brandon “The truth” Vera at Chi Lewis “Chopper” Parry. Ang mananalo ay siyang makakakuha ng ONE Heavyweight World Champion na titulo. (Sherdog.com)