SAN ISIDRO, Isabela – Patay ang isang mag-ina matapos silang pagtatagain at gilitan ng kanilang kaanak na pinaniniwalang inatake ng sakit sa pag-iisip sa Barangay Cebu sa bayang ito.

Sa impormasyong tinanggap mula kay Supt. Julio Go, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, nakilala ang napatay na sina Betty Tobias, 47; at Maxima Tobias, 77, kapwa taga-Bgy. Cebu, San Isidro, Isabela.

Habang ang suspek ay kinilalang si Seiitchi San Koike, 23, Filipino-Japanese, at anak ni Betty.

Napaulat na pinagtataga at ginilitan ni Koike ang sariling ina at lola habang nagkakape ang dalawa dakong 4:30 ng umaga kahapon.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ni SPO2 Jerry Santiago na naaresto ang suspek dakong 12:40 ng hapon kahapon sa Bgy. Centro, San Isidro.

(Liezle Basa Iñigo)