ERIK ANGELINE REGINE AT MARTIN copy copy

MAGSASAMA-SAMA sina Regine Velasquez, Angeline Quinto, Erik Santos at Martin Nievera sa isang Valentine concert. Walang sinabing eksaktong petsa ng concert ang producer nitong Star Media, basta, Valentine concert lang, so puwedeng before, after or the day itself ng Valentine’s Day, sa February 14, ang concert.

Kapag sa February 14 na ang concert ng apat, aba’y nakakabilib ang producer nitong si Ana Puno dahil walang takot silang babangga sa two-night concert ni Madonna sa Feb. 14 and 15.

Parang late na ang announcement ng Star Media sa Valentine concert na ipoprodyus dahil ‘yung concert ni Madonna, a few months ago pa nakumpirma at sold-out na nga ang pinakamahal na concert peg at P57,000. Pero dahil marami ring fans sina Regine, Angeline, Erik at Martin, tatabo rin ito at magiging sold out ang tickets.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Wala pang title ang Valentine’s Day concert ng apat, hindi pa alam kung sino ang director at musical director dahil concept ang unang pinagmitingan. (NITZ MIRALLES)