GULANTANG at hindi makapaniwala ang lahat ng staff at hosts ng It’s Showtime sa brutal na pagpaslang kay Teresa Yap, ina ni Pastillas Girl aka Angelica Yap nu’ng Linggo ng gabi sa Caloocan City. Kaya bago ang sumalang sa show nila last Monday, nag-alay ang lahat ng panalangin hindi lang para sa ina kundi para na rin mismo kay Angelica na makayanan niya ang pangyayari.

Katatapos lang magsimba ng ina ni Angelica kasama ang isa pa nitong anak at pamangkin at kakain sa isang eatery nang may lumapit na lalaking nakamotorsiklo at binaril ang barangay kagawad sa batok.

Naisugod pa sa Chinese General Hospital si Gng. Yap pero declared dead on arrival ito. Sa interbyu kay Angelica, nasa video shoot siya sa Bulacan para sa ginagawang music video nang mangyari ang pagpaslang sa kanyang ina.

“At first, hindi ka maniniwala kasi ‘yung mga ganu’ng bagay, hindi usual na natatanggap mo. ‘Yung message na natanggap ko, tumawag ako agad ‘tapos kinonfirm na nila na nabaril daw ‘yung mom ko sa ulo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Doon pa lang, gusto mo na umuwi agad para malaman mo kung ano ‘yung detalye, kung ano’ng nangyari. Nag-rush ako na umuwi agad-agad,” pahayag ni Angelica sa nasabing interbyu.

Naabutan pa niyang humihinga ang kanyang ina.

“Kinausap ko siya, nagre-respond pa siya. ‘Yung mga heavy breathing niya, alam ko naririnig niya ako,” mangiyak-iyak na kuwento ni Angelica.

Ibinulong niya sa ina na lumaban ito, pero kung nahihirapan na ay wala na silang magagawa kundi tanggapin ang katotohanan.

“Ang hirap. Kasi totoo naman na Diyos lang ang may decision noon. Wala akong ibang nasabi kundi mahal ko siya at sorry,”sey pa ni Angelica.

Ngayong taon nagsimulang makilala sa showbiz si Angelica bilang si Pastillas Girl ng programang It’s Showtime, pero pinakamalungkot din dahil sa pagpanaw ng kanyang mahal na ina. (JIMI ESCALA)