Sabay-sabay na sisimulan ngayong araw na ito ang tatlo pang mga event para sa NCAA Season 91 na kinabibilangan ng football, lawn at soft tennis sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Dahil halos nasa iisang lugar, isasagawa ang opening rites ng tatlong event ng sabay din sa iisang lugar sa Rizal Memorial Track and Football Field ganap na ika-8 ng umaga.

Pangungunahan ang football ng event host San Sebastian College habang mamumuno naman sa soft at lawn tennis ang host Perpetual Help.

Magtatangka ang San Beda College na makamit ang kanilang ika- anim na sunod na titulo sa football habang sisikapin naman nilang panatilihin ang natamong unang titulo sa soft tennis.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa lawn tennis, magtatangka naman ang Letran na masungkit ang ikatlong sunod nilang titulo.

Nakatakdang makasagupa ng Red Lions sa pambungad na laro ganap na ika-9 ng umaga ang Emilio Aguinaldo College.

Magtutuos naman sa ikalawang laban ang Arellano University at ang Mapua bago ang tampok na laro sa pagitan ng Lyceum of the Philippines at University of Perpetual Help. (Marivic Awitan)