SLOW clap kay Carla Abellana sa maganda niyang pagsagot sa tanong sa nangyaring one night stand kay Tom Rodriguez, na hindi pa niya boyfriend noon, at sa komedyanang si Cai Cortez. 

Kahit paulit-ulit na tinanong si Carla sa presscon ng Because of You sa ibinuking ni Cai sa guesting sa podcast ni DJ Mo Twister na well endowed si Tom, hindi pa rin siya napikon.

“Sa kanila na ‘yun. Bahala na sila ‘dun, di ba? Out na ako d’yan!” reaction ni Carla. 

Sa ipinakumpirma sa kanya kung totoong dakila ang BF niya, “Hindi ko alam” at “bakit ako ‘yung tinatanong ninyo?”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

ang sagot niya.

Nag-offer pa si Carla na tawagan si Tom habang ongoing ang presscon para agad masagot ang tanong ng press people.

“My gosh, sa kanila na ‘yon,” sagot ng aktres.

Ano ang dating sa kanya sa pambubuking ni Cai na sa radio pa ginawa, at marami ang nainggit kay Cai at sa kanya (Carla) na rin?

“Any guy ay matutuwa ‘pag gano’n. Kasi machismo ‘yan, eh. It’s their ego that’s being fed. So, I’m sure, any guy would be flattered.”

Sa presscon ng Because of You lang nalaman ni Carla ang ibinuking ni Cai at nilinaw naman nitong that time, hindi pa girlfriend ni Tom si Carla. Saka nangyari ang one night stand nang gumawa sila ng pelikula at hindi sa GMA-7 teleseryeng My Destiny.

“Sa kanila na ‘yun. Kebs! I love Cai. Friend ko siya. Hindi ko alam ang nangyari sa kanila before. Sa kanila na lang ‘yan!” patuloy ni Carla.

Samantala, nag-pilot na kagabi ang Because of You na jilted bride ang role ni Carla bilang si Andrea at magiging boss niya si Gabby Concepcion, isang hiwalay sa asawa na may mga anak. Mala-madrasta ang peg ng karakter niya rito.

(NITZ MIRALLES)