Pormal na inanunsiyo ng National Basketball Association (NBA) na mabibili na ngayon ng mga fan ang mga NBA Christmas Day jerseys sa NBA Store sa Glorietta at Mega Fashion Hall.

Dinisenyo bilang bahagi ng adidas NBA Season’s Greetings Collection, ang mga uniporme at nagtataglay ng mga team color at pangalan ng mga manlalaro at numero na naka showcase sa holiday-style script na may woven rows na tahi.

Nakalagay din sa likod ng jersey ang scarlet NBA seal.

May tsansa ang mga Pinoy basketball fan ng pagkakataong magkaroon ng limited edition Christmas jerseys nina Kobe Bryant, Stephen Curry, LeBron James, Damian Lillard, Derrick Rose, at John Wall.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Mayroon ding mga authentic products mula sa 30 teams ng liga na gaya ng mga footwear, performance gear, lifestyle apparel, basketballs, toys at collectibles. - Marivic Awitan