Pagkakalooban ang mga Pilipino ng 50-porsiyentong diskuwento sa entrance fees sa mga tourist destination sa buong bansa.

Layunin ng House Bill 6001 ni Buhay Party-list Rep. Jose L. Atienza, Jr., na mabigyan ng pagkakataon ang mga Pinoy na makabisita sa mga lugar na hinahangaan ng mundo, sa pamamagitan ng murang singil sa entrance fee.

Sinabi ni Atienza na milyun-milyong dayuhan ang dumadagsa sa Pilipinas dahil sa naggagandahang tourist attractions sa bansa, at sa kultura ng mainit na pagtanggap ng mga Pilipino.

Dahil sa dagsa ng mga turista, sinabi niyang nagtaas ng singil sa entrada ang mga namamahala sa mga tourist spot at national park. - Bert de Guzman
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador