Anne at Adam copy

LOS ANGELES (AFP) — Pinaghahandaan na ng Oscar-winning Hollywood actress na si Anne Hathaway at ng kanyang asawa, ang producer na si Adam Shulman, ang pagsilang ng kanilang anak, ayon sa isang website.

Ikinasal si Hathaway, na nanalo ng Oscar noong 2013 para sa kanyang performance bilang Fantine sa Les Miserables, kay Shulman noong 2012. Mas matanda si Shulman ng isang taon sa kanya.

Ayon sa ulat ng isang website, isang araw pagkatapos ng Thanksgiving, isiniwalat na ang Oscar winner at kanyang asawa ay magkakaroon na ng anak.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Anne is in her second trimester and feeling great,” pahayag ng isang source na malapit sa mag-asawa at nagbahagi ng litrato ng aktres na tila unti-unti nang lumalaki ang tiyan.

Sina Anne at Adam ay apat na taon na naging magkasintahan bago magpakasal noong Setyembre 2012.

Sa isang panayam sa Vogue noong 2013, ipinahayag ng Les Miserables actress ang kanyang pagnanais na magkaroon ng anak.

“Oh, my God. I want to be a mother, and I anticipate loving my children quite fiercely. I think about it all the time, though it’s a silly thing to think about because the kind of mother I’ll be depends on the kind of children I have. I can’t wait to meet them,” pahayag ni Hathaway sa kanyang panayam noong 2013.