CABANATUAN CITY - Nagwakas na ang matagal nang pagtatago sa batas ng most wanted person ng Nueva Ecija, makaraan itong masakote ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pinagtataguan nito sa Barangay Nagbunga, Castillejos, Zambales, nitong Huwebes.

Ayon kay CIDG Chief Insp. Ferdinand Mendoza, nasorpresa nila si Luisito Gonzales, 44, driver, tubong Bgy. San Casimiro, Licab, na nasa priority target ng Licab Police at ikaapat na most wanted sa lalawigan dahil sa patung-patong na kasong kriminal.

Marso 2012 pa tinutugis ng awtoridad si Gonzales matapos siyang maisyuhan ng arrest warrant ni Judge Brigando Saldivar, ng Municipal Trial Court (MTC) ng Guimba sa kasong slight physical injuries. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog