DAHIL sa health condition ng kanyang Mommy Grace ay kailangang kumayod nang husto ngayon si Baron Giesler. Kuwento ni Baron, pabalik-balik sa hospital ang kanyang ina dahil sa sakit sa puso at nagkaroon na rin ng kidney problem.

Awang-awa ang actor sa pagpapabalik-balik ng ina sa ospital dahil ayaw naman daw magpa-confine.

“Gusto niyang umuwi rin agad sa bahay pagkatapos ng check-up niya. Ang sa akin lang, eh, gusto ko sana maalagaan siya nang husto sa ospital pero naiinip siguro kaya pagkatapos ng check-up, eh, gusto niyang iuwi agad siya,” sey pa ni Baron.

Kaya kailangan daw niya ngayon ng maraming raket para tuluy-tuloy niyang masuportahan ang pagpapagamot ng ina. Si Baron lang ang inaasahan ng pamilya nila ngayon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“‘Yung isang sister ko nasa States. ‘Yung ibang kapatid ko naman, meron na silang sariling pamilya. Kailangan kong magtrabaho para sa mama ko,” seryosong lahad ng premyadong actor.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang aktor sa nominasyon sa kanya bilang Best Supporting Actor sa darating na PMPC Star Awards for Television na gaganapin ang awarding rites sa December 3 sa Kia Theater.

Napansin ang pagganap ni Baron sa kanyang role sa teleseryeng Nathaniel ng ABS-CBN kaya napasama siya sa pitong nominado.

“Well, sa totoo lang naman, eh, iba talaga ang nararamdaman mo kapag nakatanggap ka ng ganitong nominasyon. Kumbaga, ‘yung nare-recognize ka at ina-acknowledge ‘yung effort mo, eh sobrang nakakataba at nakai-inspire at siyempre dahil d’yan, eh, kailangan mong pagbutihin nang husto ‘yung mga susunod mo pang gagawin,” sey ng magaling na aktor.

(JIMI ESCALA)