Malakas ang paniniwala ni boxing coach Freddie Roach na magkakaroon pa rin ng rematch sa pagitan ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ipinahayag ni Roach na kapwa mayroong “expensive lifestyle” ang dalawa at kinakailangan nitong mamintine ang kanilang gastusin at pera.

“The way Mayweather spends money, and the way Manny is so generous with his, I would rate for either to go broke,” ang pahayag ng boxing trainer sa Boxing Scene ilang minuto bago maganap ang laban nina Miguel Cotto at Saul Alvarez sa Las Vegas, Nevada noong nakaraang na linggo.

Ayon kay Roach, ang rematch “ay isang paraan para sa dalawa na hindi maubusan ng pera.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang unang laban ng dalawang top pound-for-pound fighters ay naganap noong Mayo 2 sa pay-per-view records sa United States, kung saan inabot ito ng halos $4.4 milyong buys at mahigit sa $410 milyon kita. Nalagpasan nito ang $150 milyong ang kinita na naitala ng Mayweather-Saul Alvarez fight, ang $2.8 milyon buy rekord na naitala naman noong 2007 na laban nina Oscar De La Hoya vs Floyd Mayweather bout at ang pre-fight estimate na $270 milyon mula sa 3 milyong kabahayan.

Ayon kay Roach, kahit ang dalawang boksingero ay mabigong matapatan ang figure sa kanilang gaganaping pangalawang laban, ang halaga na kikitain nito ay lubhang malaki pa rin.

“I don’t see Floyd and Manny leaving all that money on the table. Even if its $100 million for Mayweather instead of $300 million, that’s a lot of money,” ang pahayag pa ni Roach.

Subalit, para mangyari lahat ng ito, kinakailangang ipagpaliban muna ni Pacquiao ang kanyang planong pagretiro sa mas malayo pang petsa. Magugunitang nagpahayag na si Pacquiao ng kanyang planong pagretiro at ang kanyang balak na huling laban ay gusto niyang mangyari sa Abril 9 bago ang 2016 national elections. Si Pacquiao ay tatakbong senador ng bansa at nangako itong magpo-focus sa kanyang trabaho kung sakaling makapuwesto ito sa Senado.

“Manny needs to fight, win, come out healthy and show the world his shoulder is 100%. If he does, I think we can get Mayweather,” ani pa Roach. (Abs-Cbn Sports)