CITY OF ILAGAN, Isabela – Sisimulan sa unang linggo ng Disyembre ang konstruksiyon sa kalsada patungong coastal town na mag-uugnay sa Ilagan City sa Divilacan, Isabela.

Sa kanilang pagdalo sa inagurasyon nitong Martes, sinabi nina Isabela 1st District Rep. Rodito T. Albano III at Isabela Gov. Faustino G. Dy III na ang kalsada ay may habang 82 kilometro at pinondohan ng pamahalaang panglalawigan ng P1.5 bilyon.

Aabutin ng tatlong taon ang paggawa sa nasabing kalsada.

Sinabi naman ni Albano na kapag nagsimula na ang konstruksiyon ng naturang kalsada ay makapagbibigay ito ng hanapbuhay at maraming pagkakakitaan sa mga Isabelino. (Wilfredo Berganio)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol